Hanapin ang naghahanap?

Gabi matapos maglaro ng Basketball, pinatay ng Guard ang mga ilaw dahil tapos na kami maglaro. Nauna umalis ang iba, habang ako at ang Girlfriend ko ay nagaayos ng gamit namin.

Umakyat kami sa Clubhouse na nasa tabi lang ng Basketball court, at doon kami namahinga nang ilang minuto.

Inaya ko ang Girlfriend ko na doon na kumain sa Bahay namin, since may niluluto si Tom na Afritada bago kami umalis ng Bahay. Kaya lang, ayaw niya dahil nahihiya siya kumain, na kahit na ilang beses na siya kumain sa’min.

Paalis na kami mula Clubhouse para ihatid ang Girlfriend ko, nang makakita siya ng isang G-Shock watch na naka kalat malapit sa Comfort Room. Inisip ko na posible na naiwan ito ng isa sa mga babaeng naglaro ng Volleyball. Nakilala ko ang Relo nang iabot sa’kin ito. “Kilala ko may ari nito Hon. Hintayin natin siya dito.”; “Hanapin nalang natin siya.” Sagot niya. (Kami pa nga ang maghahanap sa naghahanap. -sinabi sa isip) “Hintayin na nga lang natin siya dito Hon.”

15 minutes ang lumipas na wala ni isang dumating pwera sa Guard na rumoronda. Kinunan ko ng picture ang Relo para ilagay sa Facebook account ng Village namin,

at inabot ito sa Guard. “Dalagita ang naka iwan niyan. Naka suot ng Yellow Volleyball Jersey. Dito yan nakita”; “Ay, sige po Sir!” Sagot ng Guard.

Tinawagan ng Guard ang iba pang Guard na rumoronda sa ibat-ibang Street para malaman kung may nag Report tungkol sa nawawalang G-Shock. “Nako Sir, wala. Ako nalang po ang magbalik nito. Ano po itsura ng may ari?” Nagsasalita ako nang may pumasok sa Comfort room. Sinilip ko ang CR, at nakita ang babae na tinutukoy sa Guard. “Miss, may hinahanap ka?”; “Opo, G-Shock na white.” Inabot ng Guard ang Relo sa babae at nagpasalamat ang Babae. “‘Wag ka sa’kin mag pasalamat; sa kaniya.” Sabi ng Guard. Smile lang ang nakuha ko sa dalagita. Hehe.

Kung may nakitang bagay na nais isauli sa may ari, mas maigi na hintayin ang may ari nito sa lugar kung saan mo ito nakita. Dahil doon din naman talaga ito babalik.”

Pinigilan ako ng Girlfriend ko na pumasok sa Comfort room dahil baka hindi siya ang babae na hinahanap, at iba pa ang isipin sa’kin. 😅 anyway.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s